
Social security is the protection that the SSS provides to its members against the economic hardships caused by life’s contingencies such as sickness, maternity, disability, old age, and death.

WHAT'S NEW?
Ano ang WISP Plus na programa ng SSS?
-
Ito ay ini-launch noong December 15, 2022, Ito ay isang retirement savings program para sa mga miyembro ng SSS.
-
Ang ibig sabihin ng WISP ay Workers’ Investment and Savings Program (WISP). Ito ay isang optional na retirement savings program, na parehong investment at savings program.
-
Ito ay nagsisilbing karagdagang maging benepisyo maliban sa inyong retirement benefits na matatanggap.
-
Ito ay abot-kaya, flexible, maginhawa at tax-free na savings plan.
-
Puwedeng mag-enroll online sa pamamagitan ng inyong My.SSS account.
-
Sa halagang P500, makakapag invest ka na sa WISP Plus.
-
Tuloy-tuloy na kikita ng interest kahit na pagkatapos ng 5-taong maturity neto.
-
Ito ay may 1% management fee lamang para i-cover ang lahat ng mga gastusin para sa mga operating expenses neto.
-
Walang expiration ang membership neto.
-
Pwedeng i-withdraw ang lahat ng inyong WISP Plus contribution pagkatapos ng 1-taong holding period.
Paano mag-enroll sa WISP Plus na programa ng SSS?
1. Mag log-in sa inyong My.SSS account

2. Piliin ang "Services" na tab

3. I-click ang enroll to WISP Plus

4. Basahing maigi at i-accept ang Terms and Condition neto

5. Magbayad ng inyong WISP Plus contribution sa pamamagitan ng paggawa ng PRN (Payment Reference Number)

6. Gamit ang inyong nagawang PRN, puwede na itong bayaran sa pamamagitan ng inyong mga pribadong bangko o sa G-cash.

Ang computation ng kita ng WISP Plus na programa ng SSS?

Ang kasalukuyang talaan ng SSS Contribution para sa mga OFW

